Friday, January 21, 2011

Romcris Marbella


            Gutom at Kahirapan: Numero Unong Problema ni Juan
          Sa anu mang sulok ng mundo, gutom at kahirapan ang pangunahing suliraning nararanasan, nilalabanan, nais iwaksi at mapagtagumpayan. Ito’y tila kakambal na ng ating buhay. Kahirapan wala na nga bang katapusan? Ang maka-ahon sa kahirapan ang katagang laging namumutawi sa labi ng karamihan.  Ginagawa natin ang lahat para para makaahon sa kahirapan. Halos magkakuba-kuba ang ating mga magulang para kumita  nang malaki at matustusan ang mga pangangailangan subalit hindi pa rin sapat para maiahon ang pamilya  sa kahirapan. Ano nga ba ang kahirapan? Anu-ano nga ba ang mga  sanhi at apekto ng kahirapan? Ano nga ba ang solusyon sa problemang ito? May magagawa ba tayong mga kabataan para masugpo ang problemang ito?
          Ang kahirapan ay ang kakulangan ng mga pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng malinis na tubig, pagkain, edukasyon, damit, tirahan, at pangangailangang medikal. Ito ay ang nangunguna sa walong  suliraning pandaigdigan na nakapaloob sa millennium development goal o MDG. Ilan sa mga dahilan ng kahirapan ay ang digmaan, sakuna, kawalan ng pinag-aralan, kawalan ng trabaho, korupsyon, at higit sa lahat, kawalan ng disiplina.
            Dahil sa pagsiklab ng digmaan, ang mga pondo na sana’y dapat para sa pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran ay inilalaan sa pagpapalakas ng hukbong sandatahan. Dahil na rin sa pagsiklab ng kabi-kabilang digmaan, maraming ari-arian, inprastraktura, gusali, pananim, alagang hayop at maging tao ang nawawasak. Sa  pagsiklab ng digmaan, maraming pananim at maging alagang hayop ang nasisira kung kaya’t maraming tao ang nagugutom at naghihirap. Sa halip na umunlad, patuloy tayong naghihirap dahil sa pagkaabu ng mga bagay na dapat sana’y simula na ng kaunlaran. Nariyan ang pagkasira ng mga inprastraktura tulad ng tulay, kalsada, pier, at airport na dapat sana’y magpapasigla at magpapadali ng kalakalan. Ano ang resulta? Paghina ng ekonomiya. Pag atras ng mga mamumuhunan, pagkunti ng trabaho at higit sa lahat  paghirap ng taong bayan.
          Ang pagkakaroon ng man’s activity caused disaster tulad ng mud flood, landslide ay isa rin sa sanhi ng kahirapan. Dahil sa walang habas na pagputol ng puno, pagkakaingin at pagkonbert ng agricultural at forest land upang gawing subdivision, wala rin tigil ang pag-guho ng lupa na syang dahilan kung bakit maraming ari-arian  ang natatabunan. Sa pagkawala ng mga puno na sisipsip ng carbon dioxide, global warming ay patuloy na lumalala. Ano ang resulta? kalamidad at pagbago-bago ng panahon na syang sumisira sa mga pananim.
          Hindi natin maitatangi na ang kawalan ng disiplina sa sarili ay ang pinaka-ugat ng kahirapan. Dahil sa kawalan ng disiplina, karamihan sa lider ng  bansa ay tila mga buaya, sakim, at korupt. Puro pangsariling interes lang ang inaatupag. Puro pangungurakot ang ginagawa. Ang mga pondo na sana’y nakalaan sa pagpapaunlad ng agrikultura, edukasyon, pampublikong ospital ay ibinubulsa. Sa halip na umunlad ang ating ekonomiya, patuloy itong bumabagsak…humihina…at tila nauupos na parang nasindihang kandila. Dahil sa korupsyon, lumiliit ang kita ng pamahalaan na syang gagamitin  sa pagpapatupad ng mga serbisyong pampubliko at mga programang aahon sa bansa mula sa kahirapan. Dahil sa korupsyon, ang budget na dapat ibigay sa mga state universities and colleges upang isubsidize ang tuition fees ay nililiitan. Dahil dito, maraming kabataang pilipino ang di nakakapagtapos ng pag-aaral. Dahil sa korupsyon, maraming Pilipino ang walang permamenteng trabaho dahil sa hindi nakapagtapos. Ano ang resulta? Kawalan ng kita at paghihirap ng pamilya. Dahil sa korupsyon, sobrang kahirapan ang nararanasan ng bawat mamamayan.
          Sa pagtaas ng antas ng kahirapan, dumarami din ang epekto nito. Ilan sa mga ito ay ang pagtaas ng karahasan, krimen, prostitusyon, paglaganap ng HIV, AIDS at iba pang Sexually Transmitted Diseases o STD, pagdami ng kaso ng abortion, broken family, malnutrisyon, at paglaganap ng sakit.
         Dahil sa kahirapan, dagdagan pa ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at kawalan ng pinagaralan, marami sa atin ang nakakagawa ng masama tulad ng pagnanakaw, pagpatay kapalit ng pera o gun for hire, pagbebenta ng druga, pagbebenta ng mga pirated DVD, pagcarnap, kidnap for ransom, at iba pa upang kumita lang ng perang ipanunustos sa pangaraw-araw na pamumuhay ng kani-kanilang pamilya.  Kahirapan ang nagtutulak sa kanila upang gumawa ng mga bagay na maaaring ikasira ng kanyang buhay at kinabukasan. Dahil sa kahirapan, maraming babae ang napipilitang magbenta ng panandaliang aliw kung kaya’t bilang ng taong may sakit na STD ay patuloy na dumarami. Dala ng  kahirapan, maraming bata ang nawawalan ng karapatang mabuhay. Dahil sa hirap ng buhay, napipilitang ilaglag ang mga anghel na kumukubli sa sinapupunan ng kani-kanilang magulang. Dala ng kakulangan sa pera upang ipambili ng  pagkaing masusustansya, maraming bata ang nagiging “malnourished” at nagkakasakit.
        Kung may hirap may ginhawa. Wag tayong mawalan ng pagasa. Kailangan lang nating maging masipag, matiyaga, determinado, at manalig sa diyos nang sa ganun ay maiahon natin ang ating pamilya sa kahirapan. Disiplina sa sarili ay ating pairalin at pagyamanin. Tayo’y maging tapat sa ating tungkulin. Ating gampanan ang mga responsibilidad na ating sinumpaan nang walang halong pansariling interest… nang kahirapa’y mapagtagumpayan at kaunlaran  ay ating makamtamtan. Mahalin natin ang ating kapaligiran nang sakuna,gutom, at paghihirap ay ating maiwasan. Tayo’y mag-aral ng mabuti nang tayo’y makakuha ng mataas na marka…nang ating mapasaya  ang ating mga magulang na walang tigil sa pagtratrabaho upang tayo’y mabigyan ng magandang kinabukasan. Tayo’y mag-aral ng mabuti ng tayo’y makapag tapos at makakuha ng marangal na trabaho… nang tayo’y makatulong sa pagsugpo ng kahirapan. Sa simpleng paraang ito di lang natin natutulugan ang mga ating sarili na umunlad kundi maging ang ating lupang tinubuan na si Juan.

Bibliograpiya
           

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete