Sunday, January 16, 2011

Alvin Dogillo

COMBATS HIV/AIDS, MALARIA AND OTHER DISEASES
HIV O AIDS

            Sa kasalukuyang panahon, iba’t-ibang mga sakit ang natutuklasan o nadidiskubre ng mga siyentipiko. Magin man ito’y nakamamatay o hindi. Isa na dito ang sakit  na HIV o Aids. Ngunit ano ba ito? Saan ba ito nakukuha? Nakaka-apekto ba ito sa ekonomiya ng isang bansa? Paano ba ito maiiwasan? Yan lamang ang ilang katanungan na kinakailangan ng kaukulang kasagutan.
            Ang sakit na aids ay virus na nakukuha sa pamamagitan ng pagasalin ng dugo sa ibang tao, pakikipagtalik, pag-iindyek ng kontaminadong karayom o maging pagpapadede o breastfeeding. Noong 2007 mahigit 33 milyon ang nagkaroon ng aids sa buong mundo at 1.2 milyon nito ay namatay. Sa bansang Africa ang masasabing may pinakahigit na dami ng biktima ng aids. Dito rin ito nag-simula na sakit. Hanggang sa ngayon padami ng padami ang kaso ng sakit na aids dahil sa kawalan ng disiplina ng mga tao. Ngunit may natuklasan na din ang mga eksperto kung papano ba ito malunasan. Isa na dito ang “vaccination” na kung saan pwedeng mabawasan ang mortality rate sanhi ng sakit na ito. Ngunit hindi madali ang lunas na ito dahil sa kamahalan nitong gamot at maaaring wala pa nito sa isang bansa. Mawawalan ng saysay ang pagkatuklas nitong gamot sa mahihirap dahil nga sa kataasan ng presyo nito.
            Maliban sa nadiskubreng lunas sa sakit na aids ay  meron pa man ding ibang paraan, paraang natural na kung saan kailangan ng disiplina at pagkaunawa sa salitang sex. Paggamit rin ng ligtas na karayom ang isa pang paraan nito para mapahina ang pagdami ng biktima ng sakit na aids. Ngunit masusunud ba ito ng nakararaming tao bunga ng walang disiplina sa sarili? Anu pa ang halaga ng mga paraan nabigay kung ang tagapag-sunod o ang biktima ay isinasawalang-bahala ito.
            Ang sintomas ng sakit nito ay mahirap malaman ng isang tao na di niya alam ay dala-dala na niya ang sakit na ito. Karaniwang nakukuha ang sakit na ito sa  mga bakterya, “virus”, “fungi at maging ang “parasites” na maging sanhi ng pagkasira ng immune system ng isang tao. Di lang siguro ang sakit na ito ang dadapo sa isang tao na may aids kundi maaaring marami pang malubhang sakit ang pwedeng maging ibunga ng sakit na aids.
            Ang taong may aids ay maaaring magkaroon ng mas malubhang karamdaman tulad ng kanser na ngayong kasalukuyan ay isa sa mga sakit na nakamamatay. Malulunasan ang sakit na ito kung ang biktima nito ay mayroong maagap na ugali. Huwag ding mangamba ang taong may aids dahil sa mayroong ding lapat na kalunasan sa sakit na ito.
            Meron ding sistematikong sintomas na maaring palatandaan ng isang taong may aids. Halimbawa nito ang lagnat, panghihina ng katawan, pagbabawas ng timbang at iba pa. Ngunit hihintayin pa ba natin magkaroon ng mga sintomas nito sa ating katawan? Kailangan lang natin at isaisip, isapuso ang salitang “disiplina”.
            Paggamit ng kontaminadong karayom ang isang sanhi ng pagkakaroon ng aids ng isang tao. Paggamit ng kontaminadong karayom ang sanhi ng pagkakaroon ng 1/3 na aids na biktima sa bansang Amerika, China at Eastern Europe. Marahil sa kakulangan ng suplay ng karayom ang dahilan ng paglipat- lipat ng kontaminadong karayom. Ngunit panu nga ba tayo makakasiguro na an gating ginagamit ay bago? Marami sa atin ang bina-balewala lang ito, hindi lang nila alam na baka ito ang maging hudyat ng pakasira ng kanilang kalusugan. Palagi nalang nila bina-batikos ang gobyerno sa ganitong isyu hindi lang natin alam na nasa kamay ng bawat isa sa atin ang susi o solusyon sa problemang kinakaharap natin. Kaya nga tayo nagaaral para mahasa at mapaunlad natin ang mga ugaling karapat-dapat tulad na lamang ng disiplina na maaring yun din ang agap sa sakit na aids.
            Hindi lang naman yan ang naaapektuhan ng aids kundi maging ang ekonomiya ng isang bansa. Katulad lamang ng nangyari sa bansang Africa na kung saan mahigit 33 milyon ang na biktima at dahil sa pangyayari nito ay baka bababa ang produktibidad ng isang bansa.
            Pagkakaroon ng disiplina sa sarili at pakiki-isa sa gobyerno ang magiging susi para malabanan ang pagkalat ng sakit na aids. Simple lang naman ang solusyon dito ang pagdidisiplina natin sa ating mga sarili.
           
           
           

No comments:

Post a Comment