Sunday, January 23, 2011

REY DUAZO


MALNUTRISYON AT LABIS NA KAHIRAPAN NG BANSA


Ano nga ba ang dahilan ng pagkakaroon ng malnutrisyon at labis na paghihirap ng isang bansa?Ano ang mga sanhi nito?Malulutas pa ba ang malnutrisyon?Uunlad pa ba ang isang bansa na nalugmok sa labis na kahirapan?
Ayon sa World Bank's1.4 bilyon katao na naninirahan sa umuunlad na mga bansa ay nararanasan ang matinding paghihirap.Isa sa mga kadahilanan nito kung bakit lalong naghihirap ang mga mahihirap dahil masyado silang naaapektuhan ng pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin.Samantalang ang mga bata naman na di lalampas sa limang taon 33 porsyento nito ay nakakaranas ng malnutrisyon taong 1990 hanggang 26 porsyento taong 2006.Hindi nagtagal lalong tumaas ang bilang ng malnutrisyon sa umuunlad na mga bansa na halos umabot sa 140 milyon.Ayon na rin sa datos ang porsyento ng kahirapan sa EAST ASIA ay halos umabot sa 80 porsyento.Samantalang sa sub Saharan Africa naman ay nanatiling 50 porsyento pa rin ang nakakaranas ng kahirapan,kasabay na rin dito nararanasan ng mga tao sa buong mundo ang matinding pagkagutom at malnutrisyon.Isa sa mga kadahilanan nito ay ang pagtaas ng mga presyo ng pagkain.Halos umabot sa 1 milyon katao ang nakakaranas sa pagkagutom samantalang 2 milyon naman ang nakakaranas na malnutrisyon.Sa Eastern Asia partikular na ang China ay isa sa mga matagumpay na nakagawa ng paraan para malutas ang malnutrisyon at paghihirap ng isang bansa.Hindi rin maikakaila na ang sub Saharan Africa ang may pinakamatinding suliranin sa malnutrisyon at kahirapan.Sa sub Saharan Africa kalahati nang mga manggagawa nito ay umabot 55-75% edad na nagtratrabaho.Sa mga kababaihan naman ang pagtratrabaho ay hindi sapilitan kundi talagang ginusto at kasabay na rin dito ang malaiking responsabilidad sa pamilya.Naitatalarin na halos umabot isang bilyon sa buong mundo ang namamatay ng maaga dahil sa matinding pagkagutom,sakit,at hindi rin sila mabigyan ng sapat na edukasyon.

Maraming paraan ang puwedeng maisagawa para maiwasan o mabawasan ang malnutrisyon.Gamitin ang mga naayon na hakbang na napagkasunduan ng mga eksperto ayon na rin sa High Level Conference on World Food Security,kasabay na rin nito ang pagtangkilik sa National Regional and International Cooperation para mapanatili ang kasiguruhan ng pagkain.Magsagawa rin ng School Feeding Program.Gabayan o bantayan ang mga umuunlad na bansa lalung-lalo na ang sub Saharan Africa sa mga programang pang agrikultura at ano pang pwedeng mapagkakitaan ng sa ganon tumaas ang produksyon ng bansa at kaya nitong ma suplayan ang pangangailangan ng kanilang bansa.

Natural may posibilidad pa rin na umunlad ang isang bansa na nalugmok sa kahirapan sa pamamagitan ng pagtulong ng mga mayayaman na bansa katulad na lamang ng micro finance na tumutulong sa mga mahihirap sa buong mundo na mapataas ang kanilang kinikita sa pamamagitan ng pagtratrabaho at pwede rin sila makakuha ng mga loan at financial services.Katulad na rin ng mga micro-insurance,microfinance clients, kadalasan dito ay yong mga babae ang nagsasagawa ng micro-enterprises na mapagkakakitaan.Sa pamamagitan ng microfinance ay natutulungan nito ang mga mahihirap na mapataas ang edukasyon at mapanatili ang pagkakaroon ng magandang kalusugan.

Ang matinding kahirapan at malnutrisyon ay mapipigilan ng bawat isa.Kailangan lamang ng bawat isa na magkaroon ng magandang paguugali at dapat rin na maayos at nasusunod ang mga payo ng Pangulo.






Sources:Committing to action:Achiehing the MDGs,Background note by the Secretary-General for the high level event on the Millenium Development goals,United Nations,New York,25 September 2008; The Millennium Development goals Report 2008,United Nations; United Nations MDG Database;
http://mdgs.un.org; MDG Monitor Website http://www.mdgmonitor.org/, UNDP;
Grameen Bank website http://www.grameenfoundation.org

Friday, January 21, 2011

Arvin Paul Griarte


PAG LABAN AT KONTROL SA HIV-AIDS
Ang pag laganap ng HIV-AIDS ay isa sa mga pangunahing problema na kinakaharap ng ating bansa sa ngayon. Mula nang unang maitala ang kaso ng HIV-AIDS sa ating bansa noong 1984, patuloy na itong lumaganap sa buong bansa taon-taon sa kabila ng maraming babala ukol dito. Mula noong January 1984 hanggang December 2006 ay nakapag tala ang DOH ng 2719 na kaso nito. Kasama na dito ang naiulat na mga OFW na positibo din sa sakit. Anim na mga Pilipino ang naiulat na nahahawaan sa isang linggo at dalawa dito ay OFW. Ang pakikipag talik parin ng walang proteksyon ang pangunahing dahilan ng pag kalat nito. Ang mga karayom sa pag gamit ng droga at pag lilipat ng kontaminadong dugo ay mga dahilan din ng pag laganap nito. Sa datos ng DOH, nakapag tala ng 395 na bagong kaso ng HIV-AIDS mula January-September 2008 sa grupong MSM (Men who have Sex w/ Men). 96% na mas mataas kumpara sa naitala noong 2005. Ang Metro Manila ang may pinaka mataas na bilang nito. Mataas din ang bilang nito sa Angeles, Cebu at Davao. Bilang tugon ng pamahalaan, ipinatupad ang Philippine AIDS Preservation and Control Act noong 1998. Subalit sa kabila ng tugon ng gobyerno, patuloy parin itong lumalaganap. Hanggang sa ngayon, ang HIV-AIDS ay isa parin sa pinaka malaking problema ng bansa. Sa ngayon, mainit paring pinag-uusapan sa kongreso ang RH Bill. Isa din ito sa mga hakbangin ng pamahalaan tungo sa pag sugpo sa HIV-AIDS. Ang RH Bill ay hindi lamang natutuon sa lumalaganap na sakit na ito. Saklaw din nito ang pag kontrol sa populasyon ng ating bansa at pag dami ng kaso ng aborsyon. Kung iisiping mabuti, napakaganda ng layunin ng panukalang ito. Mabababa nito ang lumolobong populasyon ng ating bansa, ang pag dami ng kaso ng aborsyon at higit sa lahat, malaki ang maitutulong nito sa pag kontrol ng HIV-AIDS. Subalit, hindi dito sang ayon ang simbahan. Maganda rin ang layunin ng simbahan kung lahat lang sana ng tao sa ating bansa ay katoliko. Para sa akin, kailangang mag kasundo ng gobyerno at ng simbahan sa paglaban sa mga suliraning ito ng bansa. Ang pag papatupad ng RH Bill ng may disiplina at walang bahid ng malisya ay ang pinaka magandang hakbangin na gagawin upang malabanan ang mga suliraning ito

Bibliography
http://www.undp.org/mdg/goal6.shtml

Adriane Segismundo


MDGs Goal #1: Eradicate Extreme Poverty

            An ating bansa ay masasabing mayrooong pinagdadaan, dinaranas o hinaharap na iba’t ibang mga pagsubok at problema. Sa panonood ng telebisyon, pagbabasa ng dyaryo o pakikinig ng radio, mapapansin o mababatid na isa sa pinakamahirap at seryosong kinakahap na suliranin ng isang bansa ay ang matinding kahirapan at kagutuman. Madalas kasi itong maging dahilan o ugat ng iba pang mga problema kagaya ng malnutrisyon, kakulangan sa edukasyon, krimen at iba pa.

            Base sa Wikipedia, ang matinding kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan kung saan mayroong kakulangan na mapunan ang mga panunahing pangangailangang pantao tulad ng malinis na tubig, nutrisyon, pangangailangang pangkalusugan, edukasyon, pananamit at tirahan. Sa aking pananaliksik, ang populasyon ang sinasabing pinakamabigat at malaking dahilan ng nararanasang malubhang kahirapan. Kung titingnan ang ating bansa, na isa sa nakakaranas ng matinding kahirapan, napakabilis ng paglaki ng populasyon nito. Base sa sinulat ni Leonardo M. Herbon na isang PUP Researcher tungkol sa paglobo ng populasyon, sinabi niya na ayon sa The CIA World Factbook ang Pilipinas ay panglabing-dalawa sa may pinakamataas na bilang ng mamamayan sa buong mundo na tinatayang 99,900,177 simula nooong hulyo ngayong taon. Mula noong 1960 patuloy na ang pagtaas nito at nang taong2008 umaabot na ito sa 90,348,437. Sa pagdami ng bilang ng populasyon lumulubha ang kahirapan na nagreresulta sa pagkakaroon ng kakulangan sa trabaho at edukasyon, polusyon at krisis na nakikita sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kakulangan sa tubig, gasolina at kuryente.

            Ayon sa aking pananaw, dahil sa nga sanga-sangang mga negatibong epekto na naidudulot ng kahirapan kung kaya’t naging isa ito sa mga isyung tinutukan at binigyang pansin saw along internasyunal na mga mithiin na napagkasunduan ng lahat ng 192 bansang miyembro ng United Nations at halos 23 na internasyunal na organisasyon na matatamo sa taong 2015 o ang tinatawag na Millenium Development Goals o MDGs. Ito ay sumasalamin sa walong pangunahing hakbang o aksyon na dapat o maaaring gawin tungo sa pagkamit ng pag-unlad.

            Ang target ng mithiing ito upang makalahati ang bilang ng mga taong mahirap at dumaranas ng gutom ay ang patuloy na pagpapababa ng 0.90 bahagdan bawat taon sa bilang ng mga taong mayroong kinikita na mas mababa sa kailangang pantawid-buhay at ang bilang ng mga pamilya at populasyon na saklaw ng kahirapan ng 1.2 bahagdan bawat taon. Ibaba ang bahagdan ng mga pamilyang hindi nakakakain ng sapat sa 34.7 bahagdan sa taong 2015 at 17.25 bahagdan naman para sa bilang ng mga batang malnourished.

            Ang ating bansa bilang kabahagi sa programang ito ay nagsasagawa ng mga pagmomonitor tungkol sa progreso ng mithiing puksain ang matinding kahirapan at kagutuman. Ayon sa ulat ng UNDP o United Nations Development Programme, malaki ang indikasyon na makakamit ng Plipinas ang mga inaasahang target ng mithiing ito. Sa kabuuan, bumaba ang bilang o bahagdan ng populasyon na mayroong kita na mas mababa pa sa kanilang pangangailangang pantawid-buhay mula 24.3 bahagdan noong 1991 sa 13.5 bahagdan noong 2003 at pagdating naman sa bilang ng mga pamilya at populasyon na saklaw ng kahirapan, mula 39.9 at 45.3 bahagdan noong 1991 kumpara sa 24.4 at 30 bahagdan sa taong 2003. Kung tuloy-tuloy na ganito ang mangyayaring pagbaba, mababawasan na ito ng kalahati sa taong 2006.

            Samantala kung iisa-isahin at titingnan ang antas o bilang ng mga tao na may kakulangan o hindi kasapatan ng kinikita sa kailangang pantawid-buhay sa bawat rehiyon, mapapansin na 11 sa 17 rehiyon ang may mas mataas na antas kaysa sa kabuuang antas. Pinangungunahan ito ng Zamboanga Peninsula (Rehiyon 9) sa Mindanao na mayroong antas na 32.7 bahagdan at sinusundan ng CARAGA sa 30.9 bahagdan sa Mindanao rin at Rehiyon 5 na may 26.6 bahagdan. Sa antas naman ng mga pamilya at bilang ng populasyon na saklaw ng kahirapan, malaki rin ang makikitang problema. Tatlong rehiyon lamang ang mayroong antas na mas mababa sa kabuuang bilang, ang Central Luzon, CALABARZON at NCR. Ang natitirang 14 na rehiyon ay mayroong mas mababa na antas kung ikukumpara sa kabuuan. Kabilang dito ang CARAGA, ARMM at Rehiyon 9 na may 47.1 bahagdan, 45.4 bahagdan at 44 bahagdan. Ang napapansing hindi balanseng antas ay nagpapahayag na sa pagpuksa ng problemang ito ay dapat hindi lang mas tutukan ang kabuuan kundi mas mapapadali kung makakaabot sa lahat ng rehiyon.

            Kung titingan naman ang bilang ng mga taong hindi nakakakain ng sapat, bumaba ito sa 56.9 bahagdan sa 2003 mula sa 69.4 bahagdan noong 1993. Pagdating naman sa bahagdan ng mga batang malnourished, ayon sa National Nutrition Survey(NNS) na ginawa ng Food and Nutrition Research Institute(FNRI) bumaba mula sa 30.6 bahagdan noong 2001 sa 26.9 bahagdan ng 2003 at mas bababa pa ito sa 24.6 sa taong 2005.

Kung pag-aaralan at uunawain ang iba pang mga mithiin na mayroon ang MDGs, masasabing malaki ang bahaging ginagampanan o napaka-importante ng pagiging matagumpay ng unang mithiin na puksain ang matinding kahirapan at kagutuman sa pagtamo ng iba pang mga mithiin. Mas mapapadali ang pagsasagawa o pagsasakatuparan ng mga ito dahil kung titingnan ang pinaka-ugat ng iba pang mga problemang kasali sa MDGs ay ang kahirapan. Walang kakulangan sa edukasyon, pangangalaga sa kalusugan at hindi pagkakapantay–pantay sa pagtingin at karapatan ng lalaki at babae kung walang kahirapan.
BIBLIOGRAPHY

Laarni Glomar



CONTRACEPTION: Ang sagot sa Problema ng Populasyon sa Daigdig

Nakakabahala na itong problema ng lumolobong populasyon ng Pilipinas. Sa pag-aaral ng National Statistics Office (NSO) lumilitaw na lumalaki ang rate of natural increase ng population  ng Pilipinas sa rate na 2.1%.  Malaki ang population growth rate na ito  para sa isang maliit at pobreng bansa tulad ng Pilipinas.
Maraming paraan ang ibinibigay na sagot ng ibat-ibang grupo upang masolusyunan ang mga lumalalang problema sa paglobo ng populasyon.  Sa dami ng mga proposisyong ito nahihirapan ang mga tao kung ano na nga ba ang dapat gamitin at sundin.  Maging ang ating gobyerno ay nahahati pagdating sa pagpaplano ng pamilya ang pinag-uusapan.  Ang mga polisiya sa populasyon ay nag-eexist upang mapanatili ang buhay ng sangkatauhan at upang masiguro ang kinabukasan ng mga bansang papaunlad pa lamang.  Sila ay nabuo upang makatulong sa pagbuo ng global na lipunan na ligtas at may buhay, ligtas sa hindi pagkapantay-pantay ng kaunlaran at sa pagkasira ng kalikasan ay isang lipunan kung saan ang mga mamamayan ay nahuhubog at naipapamalas ang kanilang lubos na kakayahan. Kung maari nga lang sana tuluyang mapanatili ang pagkakaisa at pantay pantay na pag sugpo ng problema lalo na sa populasyon dahil isa itong sanhi sa kahirapan n gating bansa.  Ang pagkasira ng kalikasan ay mabibigyan pa ng solusyon hindi lamang sa  pagkontrol ng pagdami ng tao kundi maging sa hakbang na pinapasunod sa atin ng pamahalaan sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan.   Ang pagkahubog naman ng kakayahan ng mga mamamayan ay tunay na layunin ng bawat pamahalaan. Bawat isa sa atin ay maaring gumawa ng hakbang sa pagsugpo ng sobrang pagdami ng populasyon isa na dito ang maging masipag at maging malinis sa ating kapaligiran.  Pahalagahan ang bawat oras na tumatakbo sa pamamagitan ng pagtatrabaho o paghahapbuhay para maiwasan ang paglobo ng ating populasyon. Sa aking opinion ito ang tanging dapat gawin ng bawat mamamayan sa tulong ng ating pamahalaan  para maging produktibo an gating bansa.

Bibliograpiya
http://www.undp.org/mdg/

Kristine Joy Lim

KAHIRAPAN- Ito ay isa sa mga suliranin na sinusubukang lutasin noon pa man ng ating pamahalaan. Kailan at paano ba ito matatapos? Yan ang ilang mga katanungang naipupukol dito.
Ang kahirapan ay isa sa mga Millenium Development Goals o MDGs ng United Nations (UN). Ang ating bansa ay napapabilang dito. Sa taong 2015, inaasahan na ang signipikanteng pagbaba ng nadaramang kahirapan sa ating bansa.
Ang labis na kahirapan ay nakabase sa proporsiyon ng populasyon o mga pamilya na nakararanas ng labis na pagkagutom. Sila ang mga taong hindi halos makakain ng tatlong beses sa isang araw. Mahirap isipin na may mga taong namumuhay ng ganito. At, hindi ko lubos maisip kung paano nila nagagawang matiis ang ganitong  klaseng pamumuhay.
Ayon sa mga datos ng UN,sa taong 2003, ang proporsiyon ng mga taong may kita na mababa sa inaasahang kita ng bawat pamilya ay 10.2%. Ito’y sadyang nakakaagaw ng pansin. Sino nga ba ang  dapat sisihin? Iyong mga taong nasasadlak sa kahirapan? Ang mga taong lalo pang pinahihirapan ang mga mahihirap? Ang pamahalaan ba na siyang nagpapatupad ng mga programa na ikauunlad ng ating bansa at ng bawat Pilipino?
Ang ibang mahirap, ayon sa aking nakita at nalaman galing sa telebisyon sa interbyu ng isang reporter sa magbobote, ay labis na umaasa sa pamahalaan sa mga ibibigay nilang tulong. Hindi lubos maisip ng ama at ina sa pamilyang yaon ang magtrabaho, ang magbanat ng buto para sa ikagiginhawa ng kanilang pamilya. Pero paano nila magagawang magtrabaho ng maayos kung “no read, no write” sila? Sa halip, nadaragdagan pa ang miyembro ng kanilang pamilya sa kadahilanang wala silang magawa kundi ang magparami at magparami.
May mga taong sadyang maiitim ang budhi na nagagawa pang ilubog sa putik ang mga mahihirap. Isang mabuting halimbawa na lamang nito ay ang mga nagsusulputang illegal recruiter na walang ibang pinupuntirya kundi ang mga mahihirap dahil alam nilang kakapit ang mga ito sa patalim makaahon lang sa kahirapan.
Maraming mga program ang pinatutupad ng pamahalaan para mabawasan ang nadaramang kahirapan ng mga Pilipino. Ngunit, ang labis na nakikinabang ay iyong mga mahihirap na pinakamalapit sa kanila. Hindi ba nila alam na mas marami ang nasasadlak sa kahirapan sa mga probinsiya? Nakakaapekto rin ang layo o distansiya ng pamahalaan sa atin.
Lahat tayong mga Pilipino: ikaw, ako, tayong lahat ay magkaisa at magtulungan na mabawasan na ang nadaramang kahirapan sa ating bansa. Nawa’ y tulungan tayo ng Diyos at gabayan tayo sa bawat gagawin natin. Isulong ang isang maunlad na Pilipinas! Sana’y mapagtagumpayan natin na sa taong 2015, ang bawat pamilya ay nakakakain na ng tatlong beses sa isang araw.
Bibliography

Mark Benedict Hinto


 Paglaganap ng HIV/AIDS

            HIV/AIDS, sakit na nakakahawa, ngunit paano nga ba nakakahawa?  Saan nakukuha?  Paano malulunasan?  Paano maiiwasan?  Ilan lamang sa mga katanungan ng mga tao sa mundo.

            Ang HIV/AIDS ay isang sakit na nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa tao ng may AIDS at injection, sa pamamagitan nito nalilipat o nahahawa ang isang tao.  Maari rin itong iwasan sa pamamagitan ng paggamit ng condom, ngunit ipinagbabawal ito ng simbahang katoliko sa kasalukuyan ang DOH ay namimigay ng libreng condom para maprotecktahan ang AIDS.Napkaraming tao na ang may HIV/AIDS partikular na ang mga kabataan.

            Ang HIV/AIDS ay isang sakit ng walang lunas ayon sa Mayo Clinic sa Estados Unidos, ngunit maari rin maprotektahan o maiiwasan ang paglala ng HIV/AIDS sa pagamit ng anti-HIV drugs, nahaharangan nito ang paglala ng sakit.  Ayon rin kay Dr. Jay Levy ng San Francisco’s University of California at Dr. Luc Montagnier ng Pasteur Institutes sa Paris, na ang retro virus ang dahilan ng AIDS.  Inaataki nito ang immune system ng tao.  Ang liutivirus ay mahinang virus lamang dahil matagal itong maapektuhan o mainpeksyon ang katawan ng tao.

            Ang unang kaso ng tao na nagkaroon ng AIDS ay sa Estados Unidos ng America noong 1980’s.  Ayon sa mga sayantipiko naniniwala sila na nagmula raw ang AIDS sa mga chimpanzee sa Africa.  Nalipat ito sa mga tao ng makain nila ang mga infected na hayop dahil sa pangangaso nila.  Ayon din sa pagsusuri ang HIV daw ay tumalon galling sda mgaa unggoy papunta sa mga tao.  Ang HIV o Human Immnuno Deficiency ay virus ay nakukuha rin ng mga sakit sa ulo at iba pa.

            Dahil sa paglaganap ng AIDS kailangan natalagang ipalaganap ang condom sa mundo para maiwasan ang nakamamatay na virus na ito.ngunit paano mapapalaganap ito?Pero sa huli nasa atin parin ang  desisyon at ang tamang isip ukol dito.

Bibliography

Sylvia D. Labitag

Millennium Development Goal 7:

ENSURE ENVIRONMENTAL SUSTAINABILITY


Ang Pilipinas ay isa sa 192 estadong miyembro ng United Nations (UN) - ang pinakamalaking organisasyong pandaigdig sa mundo na nagsisilbi para sa kapayapaan ng mga bansa. Taong 2000 nang nabuo ang   Millenium Declaration na sinang-ayunan naman ng mga bansang kabilang. Ang deklarasyong ito ay tungkol sa walong layunin na sinisikap maisakatupran ng bawat bansa bago pa man pumasok ang taong 2015. Kasalukuyang kilala ang mga gol na ito bilang ang Millennium Development Goals (MDGs).
Isa sa mga MDGs ay ang PANGANGALAGA SA KALIKASAN (Goal 7: Ensure environmental sustainability). Upang maisakatuparan ng Pilipinas ang nakasaad na ika-pitong MDG, ilan sa mga target ng ating bansa na magawa ay ang mga sumusunod:
a.       Sa taong 2015, inaasahang 86.8 porsiyento na ng ating populasyon ang may maayos na access sa malinis na inumin at toilet facility/basic sanitation.
Base sa 2001 Annual Poverty Indicators Survey (APIS) ang access sa malinis na tubig ay tumaas mula 80.0 bahagdan noong taong 2002 hanggang 80.2 porsiyento sa taong 2004. Ang pinaka-huling pagsisiyasat ay nagpapakita na 86.2 persentahe ng mamamayang Pilipino ang gumagamit ng maayos na toilet facility. Ito ay mataas ng .1%  kaysa noong 2002.
Ang suplay ng malinis na tubig at pagkakaroon ng sariling toilet facility ng bawat pamilya ay nananatili pa ring problema sa bansa. Ngunit sa kabila nito, kung susuriing mabuti ang mga datus mula sa pinangasiwaang pagsusuri, malaki ang posibilidad na ang target na ito ay maabot. Paunti-unti man, nagagawa nating magkaroon ng pagbabago at pag-unlad.
b.      Pagpigil sa tuluyang pagkasira ng kapaligiran at pagpapanatili ng balanseng ekolohiya.
Ang patinding pagkasira ng ating kapaligiran ay sanhi rin lang naman ng mga taong nakikinabang dito. Ngayon, nararanasan na natin ang ganti ng kalikasan. Malimit ang pagbaha. Ang mga sapa’t ilog ay natutuyo na. Umaangkat na tayo ngayon ng bigas dala ng mahinang ani na sanhi naman ng matagal na tag-init. Kulang na tayo ngayon sa mga prutas at gulay. At marami sa mga tao’y wala nang ikinabubuhay.
Target ng MDGs sa ilalim ng Gol 7 na malabanan ang climate change o sawatain ang tuluyang pagkasira ng kalikasan. Magandang balita na ang mga proclaimed Protected Areas (PAs) ay patuloy na lumalawak. Mula sa 83 PAs noong 2000 ay ang PAs sa taong 2006 ay tumaas sa 103. May 0.71 milyong hektarya din o 11 porsiyentong taas sa kasalukuyan ang 1998 actual forest inventory record na 6.5 milyong hektarya.
Ang polusyon sa kabila ng lahat ay nananatili pa ring sulliranin ng ating bansa lalu na sa urban areas Mahihinuha na ang polusyon sa hangin ay magpapatuloy na tumaas dahil sa industriyalisasyon, mabigat na trapiko at malaking bilang  ng smoke-belching utility vehicles sa daan araw-araw.
Ang mga programang Clean and Green Project, Sagip-Ilog at Save the Earth Movement ay ilan lamang sa mga kampanya at proyekto ng gobyerno sa pagpapanatili ng maayos na kapaligiran. Bawat isa ay maaaring maging parte ng mga hakbanging ito para sa magandang bukas.

            Hindi pa huli ang lahat upang maipadama natin sa Inang Kalikasan ang ating pagkilala ng utang na loob sa kanyang malaking tulong para sa ating maayos na pamumuhay. Ang pamumutol ng mga puno.ay nagdudulot ng pagka-agnas (erosion) ng lupa kaya’t dapat lamang na magtanim ng mga bagong puno at halaman na kapalit ng mga kinuha natin. Ito rin ay upang maiwasan ang pagkawala ng suplay ng tubig at pagkawala ng tahanan ng mga ibon at iba pang mga hayop. Hindi rin dapat gumamit ng dinamita at pinong lambat sa paghuhuli ng mga isda sapagkat ito’y nakapipinsala sa yamang-dagat. Upang maiwasan ang matindi at mabilis na pagbaha at pagguho ng lupa ay huwag mag-sunog ng kagubatan para lamang sa sariling intensyon.
            Sadyang mayaman sa likas na yaman ang bansang Pilipinas. Dapat natin itong buhayin sa pamamagitan ng sipag at tiyaga tungo sa isang tunay na pag-unlad.