Wednesday, January 19, 2011

Lemuel James Jalmasco


MDG: Goal #1 – Poverty and Hunger
(Target 1a and 1c)


            Ayon sa 2010 Philippine progress report sa Millennium Development Goals o MDGs, ang malalang kahirapan ay tumutukoy sa mga pamilyang nabubuhay sa pinakamababang pamumuhay o bihirang kumain ng tatlong beses sa isang araw. Noong 2003, ang pursyento ng mga taong nagsusweldo ng hindi kayang masustento ang kailangan ng pamilya ay nasa 13.5%. Ang bansang Pilipinas ay may mga panyayari din na tumaas sa National Average noong 2003: Labing isa sa Rehiyon ng bansa ay nasa ilalim nito. Ang Zamboanga Peninsula (region 9) sa Mindanao ay may 32.7%, sumunod ang CARAGA na may 30.9% at Region 5 na may 26.6%.

            Sa pangkalahatang Poverty Incidence Rate for Household and the Population sa National Average ay nasa mabuting kalagayan pagdating sa Goal #1. Noong 2003, ang Poverty Incidence Rate ay bumaba ng 15.5% kumpara noong 1991. At yung Households and Population na noong 1991 ay 45.3% nang dumating ang 2003, ito’y nasa 30% na lamang. Parehas ang dalawa bumaba bawat taon ng halos 1.2%. Inaasahan naman na pagdating ng 2006 ay nasa kalahating pursyento na nito ang bumaba.

            Upang malutas ang problemang ito, ang mga rehiyon na merong mataas na Poverty Incidence Rate ay dapat makakuha ng mas mataas na “share” ng resources na kakailanganin nila upang matugunan ito.

           Pagdating naman sa kakulangan ng pagkain ng pamilya, ang National Nutrition Survey (NNS) ay isinagawa ang Food Nutrition Research Institute (FNRI) ay nagpakita ng pagbawas nito mula 30.6% noong 2001 na nagging 26.9% na lamang noong 2003. At pagdating ng 2005 bumaba ito ng 2.3% na inaasahan naman na pagdating ng 2015 ito’y bababa hanggang 17.25%.

           
Para mas mapabilis ang pagbaba nito, kailangang may pagkakaroon ng patnubay sa sampung rehiyon na may mga batang mababa ang timbang na hindi umaayon sa National Average ng bansa. Meron ding tamang Nutrisyon sa  mga babaeng buntis at nasa lactation para sa kanilang kalusugan at para na rin sa mga bata.


Bibliography:

           

No comments:

Post a Comment