Wednesday, January 19, 2011

Janine Balwit

Sugpuin ang matinding kahirapan at kagutuman


Reaksyon;

                Sugpuin ang matinding kahirapan at kagutuman , ito ang unang MDG's ( millinium development goals ) Marami parin sa atin mga pilipino ang nakararanas ngayon ng kahirapan at kagutuman. Paano ba natin ito malulutas? Ano ba ang sanhi nito at ano ang magiging epekto nito sa ating lahat? Dahil nga ba ito sa maling pamamalakad ng Gobyerno o tayong mga pilipino may Pagkatamad? Ano na nga ba ang lagay ng ekonomiya natin ngayon? Marami tayong Tanong na hindi lahat ay nasasagot.
               
 Ayon sa aking nasaliksik;
  • Ipangalahati, sa pagitan ng 1990 at 2015, ang proporsyon ng tao na ang kanilang kita ay mas mababa sa isang dolyar sa isang araw
  • Magsagawa ng buo at kapaki-pakinabang na empleyo at disenteng hanapbuhay para sa lahat, kabilang ang mga babae at mga bata
  • Ipangalahati, sa pagitan ng 1990 at 2015, ang proporsyon ng taong nagugutom
lumalawak at lumalaki parin ang proporsyon ng matinding kahirapan ngayon na nagdudulot ng pagkagutom ng ilan, Ang kahirapan ngayon ang pinakamalaking problema ngayon ng ating bansa. Marami ngayon ang nakapagtapos na walang trabaho, Di makapag-aral na mga bata sa kadahilanang maging ang matrikula ngayon ay tumaas, hindi sapat ang sweldo ng mga magulang sa araw araw kayat maging ang matrikula ay di matustusan, Karamihan sa atin ay sinisisi natin ang gobyerno, Sapagkat ang ilan ay hinuhuthutan ang kaban ng bayan para sa kanilang pansariling interes. Bakit hindi nila gawin ang tamang pamamalakad para sa kaunlaran ng ating ekonomiya at maging ang mahihirap ay umunlad. Sa ngayon ay halos lahat ng mga bilihin ay tumaas dahil narin ito sa pabago bagong klima ngayon, maging ang singil ng gasolina at kuryente kayat may ilan amg umaatungal sa pamasahe, at may napuputulan ng kuryente. Ang kahirapan ay katumbas ng kagutuman kayat siguro ay may ilan na ding namatay ng dahil sa gutom. Sa mga paghihirap natin ngayon ay alam naman nating may magagawa ang gobyerno para sa kalutasan nito. Nakakalungkot nga't puro lamang sila salita at sulat.
                Sa kahirapang natatamasa ngayon kelangan nating tumayo sa sarili nating mga paa, maging masinop, matyaga,magtrabaho, wag maging batugan at wag tayong aasa sa iba. Nasa sa atin din ang kalutasan, tayo ang simula ng pagbabago. Umaksyon ns tayo ngayon palang para sa kaunlaran para wala ng nahihirap at nagugutom.

                Bibliograpiya
                http://www.un.org/millenniumgoals/poverty.shtml

No comments:

Post a Comment