Wednesday, January 19, 2011

Jill Amabelle Laguidao


Millenium Development Goal
(Combat Aids and other diseases)
            Batid natin sa ngayon na hindi lamang krimen ang laganap sa bansa ,kundi kasama na rin ang mga sakit .Ilan sa  mga tinalakay n Millenium Development Goals ay  ang HIV O AIDS ,Malaria at Tuberculosis .Ngunit ano nga ba ang mga ito ,ito bay nakakahawa,at paano nga ba ito pupuksain?
Ang AIDS o” acquired immunodeficiency syndrome”ay isang nakakahawang sakit ovirus na krinieyt ng tao.Ito ay nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik,pagshishare ng needles at blood transfusion.Base sa datus ng DOH o Department of Health ang sakit ay nakapasok  sa bansa noong 1984 .Ayon din sa datus ng DOH AIDS Registry umabot na sa 2719 ang bilang ng apektado at halos 28% na ang nadevelop sa AIDS at umabot na sa 298 ang nakitil na buhay ng sakit na ito.Sadyang nakababahala ang ganitong bilang ,ngunit hindi lamang yun sapagkat ayon sa DOH ay maraming bilang ang hindi agad nadedetect .Ngayong 2005 lamang ay umabot na halos  11200  ang napektuhan.Ilan sa nga itinuturong dahilan nito ang pagtrato sa sex bilang laro ng ilan nating kababayan .Ilan din sa madalas mabiktima nito ay ang mga kababayan OFW partikular na ang mga seaman na nasa malalayong lugar at ginagawang pampalipas oras ang sex.Ang hindi nila alam ay nilalagay nila ang sarili nila sa panganib.Isa rin sa itinuturong dahilan ay ay pagsasawalang bahala nating mga Pinoy .Marahil kasama rin dito ang  kakulangan sa ‘awareness’.Kung mas aware sana tayo sa mga sakit na ito ay maiiwasan na sana ng Pinoy  ang pagiging unfaithful sa kanilang mga partner at mas magiging maingat na tayo.Ayon sa aking pananaw mas malaking factor ang simbahan kung sasang ayon sila sa paggamit ng condom bilang proteksyon man lamang.Bakit hindi natin iadapt ang ABC o  Abstinence before Marriege ,Be faithful at kung hindi talaga maiwasan use Condoms  program na ipinatupad sa Uganda .Ngunit ang pinakamabisang paraan ay kung tayo mismo sa sarili natin  ay magkakaroon ng disiplina ,kasama na rito ang pagiging matapat sa partner at pagiging aware sa lahat ng nangyayari.
Ikalawa sa tinalakay ng MDG ay ang Malaria,ito naman ay dulot ng kagat ng lamok.Bagaman bumaba ang bilang nito mula 1998 hanggang 2002 hindi parin tayo dapat makampante sapagkat ngayong 2005 lamang muli itong nagging aktibo.Ilan sa mg itinuturong dahilan nito ay ang patuloy na pagdumi ng ating kapaligiran at kawalang disiplina na naman.Kadalasang  tinitirhan ng mga lamok na may dala ng sakit na ito ay mga maruruming tubig at lugar.Pakikiisa sa paglinis ng ating kapaligiran ang pinakamabisang paraan sa pagpuksa sa sakit na ito .Ika nga nila kung malinis ang kapaligiran ay ligtas ang ating pamumuhay na sa huli tao rin ang  makikinabang .
Hindi lamang malaria at Aids ang tinalakay ng MDG kasama na rin ditto angTuberculosis,isang nakakahawang sakit na dulot ng bacteria.Kaiba ang Malaria at Tuberculosis sapagkat may lunas ang mga ito.Nasa sa tao kung  paano niya  mapangangalagaan ang sarili laban sa sakit na ito.Ilan sa mga paraan ay ang pagpapacheck  up sa doctor at pagiging malusog.Samakatwid kung tayong lahat ay makikiisa sa mithiin ng MDG na mapuksa ang mga sakit na ito ay makakamit natin ang mithiin.                            

Bibliograpiya


No comments:

Post a Comment