Friday, January 21, 2011

Kristine Joy Lim

KAHIRAPAN- Ito ay isa sa mga suliranin na sinusubukang lutasin noon pa man ng ating pamahalaan. Kailan at paano ba ito matatapos? Yan ang ilang mga katanungang naipupukol dito.
Ang kahirapan ay isa sa mga Millenium Development Goals o MDGs ng United Nations (UN). Ang ating bansa ay napapabilang dito. Sa taong 2015, inaasahan na ang signipikanteng pagbaba ng nadaramang kahirapan sa ating bansa.
Ang labis na kahirapan ay nakabase sa proporsiyon ng populasyon o mga pamilya na nakararanas ng labis na pagkagutom. Sila ang mga taong hindi halos makakain ng tatlong beses sa isang araw. Mahirap isipin na may mga taong namumuhay ng ganito. At, hindi ko lubos maisip kung paano nila nagagawang matiis ang ganitong  klaseng pamumuhay.
Ayon sa mga datos ng UN,sa taong 2003, ang proporsiyon ng mga taong may kita na mababa sa inaasahang kita ng bawat pamilya ay 10.2%. Ito’y sadyang nakakaagaw ng pansin. Sino nga ba ang  dapat sisihin? Iyong mga taong nasasadlak sa kahirapan? Ang mga taong lalo pang pinahihirapan ang mga mahihirap? Ang pamahalaan ba na siyang nagpapatupad ng mga programa na ikauunlad ng ating bansa at ng bawat Pilipino?
Ang ibang mahirap, ayon sa aking nakita at nalaman galing sa telebisyon sa interbyu ng isang reporter sa magbobote, ay labis na umaasa sa pamahalaan sa mga ibibigay nilang tulong. Hindi lubos maisip ng ama at ina sa pamilyang yaon ang magtrabaho, ang magbanat ng buto para sa ikagiginhawa ng kanilang pamilya. Pero paano nila magagawang magtrabaho ng maayos kung “no read, no write” sila? Sa halip, nadaragdagan pa ang miyembro ng kanilang pamilya sa kadahilanang wala silang magawa kundi ang magparami at magparami.
May mga taong sadyang maiitim ang budhi na nagagawa pang ilubog sa putik ang mga mahihirap. Isang mabuting halimbawa na lamang nito ay ang mga nagsusulputang illegal recruiter na walang ibang pinupuntirya kundi ang mga mahihirap dahil alam nilang kakapit ang mga ito sa patalim makaahon lang sa kahirapan.
Maraming mga program ang pinatutupad ng pamahalaan para mabawasan ang nadaramang kahirapan ng mga Pilipino. Ngunit, ang labis na nakikinabang ay iyong mga mahihirap na pinakamalapit sa kanila. Hindi ba nila alam na mas marami ang nasasadlak sa kahirapan sa mga probinsiya? Nakakaapekto rin ang layo o distansiya ng pamahalaan sa atin.
Lahat tayong mga Pilipino: ikaw, ako, tayong lahat ay magkaisa at magtulungan na mabawasan na ang nadaramang kahirapan sa ating bansa. Nawa’ y tulungan tayo ng Diyos at gabayan tayo sa bawat gagawin natin. Isulong ang isang maunlad na Pilipinas! Sana’y mapagtagumpayan natin na sa taong 2015, ang bawat pamilya ay nakakakain na ng tatlong beses sa isang araw.
Bibliography

No comments:

Post a Comment