Thursday, January 20, 2011

DIEGELYN MADRONA

ABORSYON

Sa tatlong milyong buntis sa kada taon,kalahating porsyento nito ay hindi nakaplano at 1/3 nito ay nauuwi sa aborsyon.Ang aborsyon ay ikaapat sa mga pinaka sanhi ng pagkamatay ng mga tao.Ito ay isang illegal na proseso ng pakitil sa isang buhay  sa sinapupunan ng ina.Kung saan sa prosesong ito ,unti-unting pinapatay ang isang Fetus sa pamamagitan ng pag inom ng mga gamut at mga pisikal na pananakit ng isang ina.At ang pinaka mas masama ang pagkuha ng Fetus ng isang aborsyonista sa sinapupunan ng ina dahilan ng pagka pira-piraso ng katawan ng isang Fetus.
Sa kasalukoyan maraming kababaihan ang nasasangkot sa immoral na gawaing aborsyon,sa kadahilanang pag dating sa pag-ibig masyadong mapupusok ang kabataan.dumadating sa punto na ibinibigay na nila ang kanilang buhay sa kanilang kasintahan dahil lamang sa pagmamahal.Kaya nga habang tumatagal lalong dumarami ang mga kabataang nabubuntis ng maaga.bukod kasi sa kapusukan nila,wala pang sapat na kaalamang sexual ang mga kabataang nag tatalik.Ang pag tatalik na ito ay maituturing na kasalanan dahil walang legal na seremonyang nagaganap sa pagitan nila,ika nga pre-marital sex na tinatawag.Sa madaling sabi maraming kababaihan ang hindi pa handing mag buntis dahil natatakot sila di lang sa mga magulang kundi pati sa mga responsibilidad na kaakibat ng pag bubuntis.Kaya napipilitan o di naman sinasadya nilang ipalag-lag ang batang nasa kanilang sinapupunan.Lingid sa kaalaman  ng kabataang nag papa-abort na di lamang malaking kasalanan ang aborsyon ,ang aborsyon ay maraming kasamaang naidudulot sa kababaihan.
Sa isang babae at lalaki ay nag dudulot ng mga sakit ang aborsyon lalo na kung maraming beses itong gawin.Ngunit mas malaki ng dobleng bilang ng kababaihan kaysa sa kalalakihan ang nakararanas ng reproductive health problems dahil mas dumarami ang bilang ng kababaihan ang nasasangkot sa sexual risk behavior at mahinang lebel ng paggamit ng contraceptives.
Sana naman mag silbing aral sa atin ang mga karanasan ng ,mga taong sangkut sa immoral  na kasalanang aborsyon.Para kung di man maiwasan ay mabawasan  naman ng konti ang kaso ng aborsyon at ang mga malalang sakit dulot nito.Sana mapagtanto natin na sa gawaing ito inaalisan natin ng karapatan ang isang bata o Fetus na masilayan ang ganda ng mundo.Hindi lang ang kinabukasan nila ang sinisira ninyo kundi  ang sarili din ninyong buhay bilang isang anak,mag-aaral at magulang.

RODERICK REGIDOR

Mabawasan ang Dami ng Namamatay na Bata

Ang Millenium Development Goals (MDG) ay inilunsad ng pandaigdigang
pamunuan noong taong 2000 at ito’y nakalaan upang makamit sa darating na taong
2015, upang matugunan ang lumalalang kahirapan sa iba’t ibang dimensyon.

Isa sa mga layunin nito ay bawasan ang lumalalang pandaigdigang ekonomiya,
sa ganitong pagkakataon mababawasan ang problema sa kahirapan. Ang “REDUCE
CHILD MORTALITY” syang ikaapat na pinag-uukulang pansin kasama pa ng
ibang “targets”.Sa kabuuan,ang bilang ng mga namamatay na bata sa edad na lima
ay umaabot sa (4.1),para sa mga batang may edad na lima (4.2),sa kapapanganak pa
lamang ay umaabot sa (4.3),ang mga batang nasa pagitan ng isang taong gulang ay
nakaranas na ng sakit na measles ang namamatay.

Ayon sa unicef,ang 70%(porsyento) ng mga mauunlad na bansa ay kalimitang
may mga batang namamatay at ang limang dahilan nito ay ang mga ss:una,malubhang
sakit sa baga(acute respiratory infections),ikalawa,pagtatae (diarrhea),ikatlo ay ang
measles,malaria(malaria) at malnutrisyon.

Kabilang sa mga sakit na ito ay naiiwasan gaya ng malnutrisyon na
nakukuha natin sa kakulangan ng tubig at maruming kapaligiran. Ayon sa
pananaliksik,isa sa mga mabisang pamamaraan ay ang pagbibigay ng mga
antibiotics(gamot),vitamins(bitamina) at kasabay rito na ang vitamin A supplementation
ay maaaring makapagligtas ng halos milyong buhay ng mga tao sa loob ng isang
taon lamang, at maayos na pagbibigay ng tinatawag na “breastfeeding” sa mga
bata at “oral rehydration therapy” ito raw ay isang hadlang sa isang milyong madali
nang mamatay.Maliban sa mga gamot at bitamina,kinakailangan din na may sapat
na edukasyon ang isang ina hinggil sa pagpapaunlad ng kanilang personal na
kalusugan upang maging matiwasy ang kanilang pamumuhay kasama ng kanilang mga
supling.Kinakailangan din ang magulang ay may tiwala sa sarili at may kakayahang
pangalagaan ang kanilang mga anak para magkaroon ng malusog na pamayanan.

Nakasaad rin dito ang mga kasagutan ng UNICEF,una,ay ang
pakikipagtulungan ng unicef sa gobyerno upang maiwasan ang lumalalang kakulangan
ng nutrisyon sa mga kabataan,ikalawa,ay ang pagpapaunlad ng mga insayo/
paghahanda sa kaligtasan ng pamilya at ang panghuli ay ang mabilis na kasagutan
hinggil sa mga emergencies na nangyayari.

Ayon sa ‘’TECHNICAL WORKING GROUP ON MATERNAL and CHILD
MORTALITY” 80 ang namamatay sa isang libo sa mga bagong panganak na bata
noong 1990.

Sa ngayon,may mga rehiyon na rin sa pilipinas ang nagkakaroon ng bilang
ng mga namamatay na bata.Sa kabuuan,dalawampu’t apat (24) ang namamatay
sa bawat isang libo ng batang pinapanganak.Kabilang rito ang mga rehiyon ng
CORDILLERA(32),BICOL(26),EASTERN VISAYAS(29),ZAMBOANGA(28) at
ARMM(31).

Sa aking palagay,ang pilipinas ay isa na ring biktima ng mga isyung natalakay
kaya’t nararapat na ipatupad ang reduce child mortality para sa katiwasayan at
kabawasn ng mga namamatay na biktima ng iba’t ibang sakit na dumadapo sa kanila.

ANNALYN ESTILLERO

ERADECATE EXTREM POVERTY AND HUNGER

Bakit nga ba maraming tao ang nagugutom sa isang bansa?
Paano ito mababawasan? Ilang porsyento ang mga nasa magandang buhay na nakakakain ng tatlong beses sa isang araw o mahigit pa.
Ang kahirapan ay naka depende lamang sa pamamalakad ng isang tao.Bawat tao ay may karapatan mabuhay,simula nung sinilang tayo dito sa mundo ay may plano na ang diyos sa atin.Nag simula ang kahirapan sa pag-uugali ng isang tao,kung ang isang tao ay tamad at walang pangarap sa buhay,limitado o imposibleng makaahon sya sa kahirapan.Kumpara sa taong masipag at may mga pangarap sa buhay ,possible na makakaahon sya sa kahirapan.
Isa pang dahilan ng kahirapan sa isang bansa ay naka depende din sa ekonomiya,kapag mahina ang ekonomiya ng isang bansa ,maraming tao ang mawawalan ng trabaho o pag kakakitaan.
Tinalakay sa Wikipedia,dumarami ang nagugutom sa kadahilanan na rin ng pag-lobo ng populasyon,pamilyang madami kahit hindi na kayang suportahan ang kanilang pangangailangan,sa araw-araw.At ayon ditto lumalaganap pa ang mga underweight limang taon pababana mga bata.Sino ba ang dapat sisihin sa mga problemang ito?
Ayon s aking nakalap na impormasyon mula sa internet na mas dumarami pa ang nagugutom ,noong nakaraang 2010 kumpara sa mga nag daang taon.Dahil sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin kaya lumalala pa ang mga nagugutom sa isang bansa.
Nag patupad ng BANTAY BATA PROGARM para sa mga malalaking pamilya ay pwede nilang ipagkatiwala ditto upang matustusan ang mga pangangailangan.At ang pundo na ginagamit dito ay nag-mula din sa gobyerno.May pinatutupad ding mga eskular para sa aktibong bata sa pag-aaral ay mabawasan ang mga kailangan sa paaralan.Dahil ditto,mababawasan na ang kahirapan sa ating bansa.

Sarah Jane Laganzo

ENSURE ENVIRONMENTAL SUSTAINABILITY
ACCESS TO SAFE DRINKING WATER AND BASIC SAN ENSURE ITATION

      Ang Philippine agenda 21 ay nagpapatuloy na gabay na dokumento sa estratehiya ng bansa para sa kaunlaran ng bansa. Ang aksyon para sa pangangalaga ng ecosystem,halimbawa ay,komprehensiv:forest at upland,coastal at marine,urban ecosystem,fresh water,lowland at agrikultural,mineral at biodiversity.

      Ang kagubatan,saklaw ng Statistics noong taon 2004 ay gumamit ng mga satellite imageries na kinuha noong 2002 at 2003.Ang resulta nito ay nagsasabing ang natitirang kagubatan ay umaabot sa 7.2 milyon  hektarya o 24 na porsyento ng kabuuang kalupaan ng bansa.Ito ay 0.71 milyong hektarya o 11 porsyentong mas mataas kaysa sa pinagkunang record noong 1998 na umaabot sa 6.5 milyon hektarya.Ang bilang ng prinoklamang Protected Areas (PAs) sa ilalim ng NIPAS ay patuloy na lumalawak.Mula 83 prinoklamang PAs noong 2000,at bilang ng PAs noong 2006 ay tumaas sa 103.Mayroon ding pagtaas na nakompiskang flora mula 58 piraso noong 2002 at 600 piraso noong 2005.Ang bilang ng nakompiskang fauna ay tumaas din mula 175 noong 2002 hanggang 2,944 noong 2004.
     Ang produktibong coastal ecosystem ng Pilipinas at kabilang ang tirahan ay 25,000 kilometro ng coral reefs,sea grass at algal beds;289,890 hektarya ng mangrove at ibat-ibang produktibong pangisdaan na humigit sa 50 porsyento ng animal protein na ginamit sa bansa.
     Polusyon,ay problema pa rin ng bansa lalo na sa mga urban centers.Ang laki ng polusyon sa hangin ay patuloy sa pagtaas dahilan ng paglaki ng mga gawaing industrial,mga trapiko at malalaking bilang ng mga sasakyan, karamihan nito ay mga smoke-belching public utility vehicles. ang mga Pilipino ay nakagagawa ng 0.3 at 0.5 kg ng basura araw-araw sa mga rural at urban areas.Ibig sabihin ang bawat taong naninirahan sa Metropolis ay nakagagawa ng kalahating kilong dumi bawat araw.
     Ang isinagawang survey ng NSO ay nagmungkahi para sa safe drinking water at sanitary toilet facilities na unti-unting umunlad sa paglipas ng taon.Ayon sa 2004 ang Annual Poverty Indicators Survey (APIS). Ang safe drinking water ay lumaki mula 80.0 porsyento noong 2002 hanggang 80.2 porsyento noong 2004.Mababa ang proporsyon sa mga nabibilang sa mga mabababang 30 porsyento (65.4%) kumpara sa nabibilang sa pinakamataas na 70 porsyento income group (86.5%). Ang latest survey ay nagpakita na ang percentage ng mga gumagamit ng sealed water at closed pit type ng toilet facility ay 86.2 porsyento.Ito ay tumaas ng kaunti sa proporsyon noong 2002 (86.1%).
     Ang layunin ng MDG para sa taong 2015 ay siguraduhin na 86.8 na porsyento ng populasyon ay magkaroon ng safe water at 83.8 porsyento para sa sanitary toilet facility. Ayon sa 2004 APIS, ang para sa sanitary toilet facility na may 83.8 porsyento ay matutupad. Ang MTPDP 2004-2010 ay mas mataas pang target kaysa 2015 MDG. Ito ay 92 hanggang 96 porsyento safe drinking water at 86 hanggang 91 porsyentong sanitary toilet facilities. Ayon sa gobyerno sa taong 2002, humigit 588,853pamilya sa bansa ang karamihang naninirahan sa urban centers tulad ng NCR. Taong 2004, ayon sa gobyerno mayroong 675,000 informal na naninirahang pamilya o squatter sa buong bansa. Ito ay mas mataas ng 14.6 porsyento kaysa 2002. Humigit sa kalahati ang informal na naninirahan o 51.8 porsyento ay nasa NCR, Region 6, CALABARZON, at Region 5. Ang rehiyong may kaunting naninirahan ay nasa Region 1, CAR at MIMAROPA.

Bibliograpiya
            http://www.un.org/millenniumgoals/education.shtml

Rona Frencillo

Millennium Development Goals

GOAL 1: Eradicate Extreme Poverty and Hunger


Sa ngayon, ang pangunahing suliranin ng ating bansa ay ang kahirapan. Ayon sa IDRC dapat na pagtuunan natin ng lubusan ang problema sa kahirapan lalo na sa mga urban na lugar na kinakailangan ang sapat na suplay ng pagkain para hindi magutom at malimitahan ang paghihirap na nararanasan ng bawat pamilya.


Ano nga ba ang kahirapan? Ito ay higit na natutukoy sa pamamagitan ng paraan ng pamumuhay ng tao sa komunidad kung saan ang isa sa mga buhay at sa antas ng mga inaasahan nila at tumutukoy din sa kalagayan na hindi kayang tugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng malinis na tubig,nutrisyon,kalusugan,damit,at tirahan.


Ano nga ba ang maaring maidudulot ng kahirapan kapag nagpatuloy ito na hindi agarang masolusyonan? Batay sa aking pag-aaral,ang kahirapan ay natural na nararanasan ng isang bansa ngunit ang nararanasan ng ating bansa  ngayon ay malala na,sapagkat ang isa sa salik na nanagpapalala nito ay ang hindi makontrol na pagdami ng ating populasyon.Kapag hindi pa natin ito masolusyonan,maraming pamilya pa ang matitiis sa kakarampot na pera sa kanilang araw-araw na pinagkukunan lalo na’t marami ang hindi nabibigyan ng trabaho sapagkat mahina ang ekonomiya, ang patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin ay isa pa sa nagpapahirap sa ating mga kababayan at isama pa natin ang mga pulitikong gahaman na walang habas na nagnanakaw sa kaban ng ating bayan.


Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng ating bansa,pero sila nga ba o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “katamaran ay katumbas ng kahirapan” tama sila,at tama rin naman ang nagsasabi na nasa gobyerno ang pagkakamali pagkat lahat tayo ay responsible sa bawat ating ginagampanan kaya’t  tayo rin ang puno’t dulo ng ating kahirapan. Ngunit may magagawa pa tayo para ito ay mabawasan,tayo na mismo ang dapat na tumama ng ating mga kamalian,sa ating mga sarili dapat tayo magsimula.

Bibliograpiya

http://www.undp.org.ph/?link=goal_1

Jhunellen Macasinag

Pantay na Pagtingin sa Kababaihan at Kalalakihan
Ang ating bansa o buong mundo ay halos puno ng mga problemang pingdadaanan na sumusukat sa tibay ng pagkakaisa ng bawat isa. Ito ay ang Millenium Development Goal (MDG) na kung saan ang problema ay binibigyan ng sapat na solusyon.
Isa sa layunin ng MDG ay bigyang solusyon ang tungkol sa hindi pantay na pagtingin sa mga kababaihan at mga kalalakihan. Halos naisulat na sa libro ang karanasan ng mga kababaihan sa mga nakaraang dekada. Noong panahon na hawak tayo ng mga Hapon, ang mga kababaihan ay nasa loob lamang ng tahanan. Ang kanilang tungkulin ay alagaan ang asawa at anak, maglinis ng tahanan at panatilihin ang kalinisan sa paligid ng tahanan. Nawalan sila ng karapatan na makapag-aral. Ang pananaw noon ay ang mga babae ay sa loob lamang ng tahanan at hindi nangangailangan ng pag-aaral. Hindi sila binigyan ng importansiya.
Sa pag-unlad ng mundo ay hindi pa rin nabago ito. Maraming mga kababaihan pa rin ang biktima ng karahasan at rape. Halimbawa na lang dito ang mga Pilipinang nagtatrabaho sa ibang bansa’t minamaltrato ng kanyang amo, hindi binibigyan ng sahod, sinasaktan, kinukulong at halos pinapatay na sa gutom. Sa mga telebisyon at sa pahayagan ay nakikita’t nababasa natin ang mga pagbababoy sa kababaihan. Maraming mga babae ang nawalan ng pagkakataon na ipagpatuloy ang kanilang pangarap. Nawalan sila ng dangal na halos walang mukhang maihaharap sa tao. Masakit man ngunit ito ang katotohanan.
            Kahit namarami sa kanya ang bumabatikos ay mas binagyan niya ng pansin tayong mga kababaihan. Noong ika- 14 ng Agusto, 2009 ay ipinatupad niya ang “Magna Carta of the Women” sa Manila at ang Republic Act No. 9710, the landmark legislation is significantly linked to the Convention on the Elimination of all forms of Discrimination Against Women(CEDAW) na may suporta sa UNIFEM’s CEDAW. Ito ay nakasentro sa pagtulong na maiwasan ang diskriminasyon sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan. Ang Magna Carta ay tumutulong na maiwasan ang pagmamalupit sa kababaihan at pantay na pagtingin sa kababaihan at kalalakihan sa anumang sangay ng lipunan.
Dahil sa pagpapatupad ng batas na ito ay marami din sa mga kababaihan ang nakipagsabayan sa kalalakihan maging ito man ay sa larangan ng pulitika, palakasan, edukasyon at trabaho. Kung mapapansin natin sa ating lipunan, marami ng mga babae ang may puwesto sa pulitika tulad sa senado na sila Pia Cayetano at Miriam Defensor, sa kongreso, at maging sa pagkapangulo ang kababaihan ay nakipagsabayan, si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Kahit sa mga lungsod ng Pilipinas ay mas pinipili na ng mga tao ang babae dahil sa taglay nitong lakas at determinasyon.
Sa palakasan ay kaya na natin dalhin o mapanalunan ang medalya. Isa na dito si Lydia De Vega na mahusay sa running event. Sa larangan ng boxing ay may Pilipinang babae na lumalaban sa loob at labas ng ating bansa upang bigyan ng karangalan ang ating bansa. Mayroon din tayo sa swimming, athletics, volleyball, baseball at iba pa.
Ang pinakabagong isyu na ipinupukol sa atin ay mas maayos ang babaeng drayber kaysa sa lalaking drayber. Kung ikukumpara natin ang babae sa lalake ay mas masunurin ang mga babae sa “rules and regulation”, mas iniisip nila ang kapakanan ng karamihan kaysa sa sariling kapakanan. Madali itong matututunan sa gabay ng pamahalaan. Wala na sa mundong ito na ang kalalakihan lang ang makakagawa. Walang masama kung isaaad ito dahil kung ano ang kaya ng kalalakihan ay kaya na rin ng kababaihan.
Bibliograpiya:
http://www.unifem.org/gender_issues/millennium_development_goals/

Tiburcio Halcon

Achieve Universal Primary Education

Isa sa mga hangarin ng MDGs o Millennium Development Goals ay ang makamit ang universal primary education. Sinasabi ditto na dapat sa taong 2015, dapat matiyak na bawat bata sa buong bansa, babae man o lalaki ay makapagtapos ng full course sa primaryang edukasyon. Ang edukasyon ang pinakamahalagang dapat makamtan ng bawat tao kaya kailangan itong pagtuuna ngpansin ng gobyerno lalo na ngayon sa pamumuno ni Pangulong Benigna Aquino III. Para sa bawat magulang, lalo na sa mga mahihirap, edukayon ang tanging magandang maipapamana nila sa kanilang mga anak. Ngunit ayon sa 2007 NEDA Report on Philippine Progress on MDGs, lumalabas na malabo itong matupad ng Pilipinas kahit  isa ang Departmant of Education sa may pinakamataas na pondo. Sinabi ni Paderanga na ginagawa na lahat ng administrasyong Aquino upang masolusyunan ang mga problemang kinakaharap ngayon ng ating bansa kabilang na ditto ang edukasyon. Kahit sinabi na ni Paderanga na ginagawa na ng administrasyong Aquino ang lahat ay hindi pa rin sumasang-ayon ang 2007 NEDA Report on Philippine Progress on MDGs na makakamit an gating adhikain sa taong 2015.
Ayon sa aking nakalap na impormasyon tungkol ditto, nalaman ko na hindi pala ganun kadaling solusyunan ang mga problemang kinakaharap ng ating bansa isa na dito ang kakulangan sa edukasyon ng ibang mga bata particular na sa mga mahihirap. Ang edukasyon ang napakagandang pamana ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Kaya dapat tayo, bilang mga mag-aaral, ay dapat gawin natin an gating mga tungkulin upang makamit natin an gating mga pangarap ng sa gayon  ay matulungan natin an gating mga magulang dahil sa kabila ng hirap at pagod na kanilang pinagdaanan ay nakuha pa nila tayong bigyan ng magandang edukasyon. At ang hinahangad natin at ng gobyerno na mas lalong mapaganda at mapaunlad ang edukasyon aykailangang mawal ang mga taong gahaman sap era na nagnanakaw ng pondo na dapat ay ginagamit sa pagpaunlad ng mga pasilidad ng bawat paaralan. Sa ganitong paran, magkakaroon tayo ng magandang edukasyon dahil mapagtutuunan  na ng pansin ang edukasyon n gating gobyerno, at matutupad na ng gobyerno ang hangaring nakapaloob sa MDGs patungkol sa edukasyon.

Bibliograpiya
http://www.un.org/millenniumgoals/education.shtml